PRRD TINALO PA ANG NAKARAANG 3 PRESIDENTE DAHIL SA MATAAS NA RATINGS.

Natutuwa ang Malacañang sa positibong pulso ng publiko sa resulta ng survey ng Pulse Asia kung saan pinakamataas pa rin ang nakuhang marka ni Pangulong Rodrigo Duterte sa trust at approval rating kumpara sa tatlong dating pangulo ng bansa.

ayon sa inilabas na Comparative Performance and Trust Ra­tings of Presidents ng Pulse Asia, si Pangulong Duterte ang may pinakamataas na nakuhang puntos sa kanyang approval rating na 80% at trust rating na 80%.

Ibinase ang paghahambing simula May 1999 hanggang September 2017 mula sa administrasyon nina dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na natutuwa sila sa pananaw at suporta ng publiko kay Pangulong Duterte at malugod niyang tinatanggap ito.

Gayonman, sinabi ni Roque na ano man ang maging resulta ng survey ay magpapatuloy ang Pangulo at ang kanyang gabinete sa kanilang trabaho para maitaguyod ang interes ng samba­yanang Filipino.

“We are pleased with the people’s verdict gi­ving President Rodrigo Roa Duterte 80% approval rating and 80% trust rating – the highest since the time of former President Joseph Ejercito Estrada.

The President accepts this public appreciation with all humility, but regardless of survey results, PRRD and the members of his Cabinet would continue to work and advance public inte­rests and build, as he said in numerous occasions, a nation worthy of the Filipinos,” ayon pa kay Roque. ctto abante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *